Ang huling 2012

“Ang huling 2012“

              Gaya ng dati kapag yong kalendaryo ay naglapat na sa buwan ng “ber“ ang saya-saya ko,lalong lalo na pag ito`y buwan ng disyembre samakatwid ang saya na nararamdaman ko nong mga panahong yaon ay may halong pangungulila sa mga pamilya ko na naiwan sa probinsya.Naging panata ko na ang tinatawag na simbang gabi at sa madaling sabi natapos ko ito ng walang nalalagpasang madaling gabi.

              December 24 , abay! Sino ba naman ang hindi abala?syempre abala ang lahat na tao sa bahay ,paghahanda ng mga iba`t-ibang pagkain at syempre papapalitan ng mag regalo.Habang ang iba ay abala sa paghahanda para sa kapanganakan ni jesus.Ako nama`y hinda na nag atubiling niyaya ang aking mga kamag-anak at mga kaibigan na pumunta ng simbahan para magbigay puri sa poong makapangyarihan.Umuwi kami ng malapit ng maghatinggabi nadatnan namin sa sala na nagkakantahan ang aking mag kamag anak at d namn syempre mawawala ang mga handa sa hapag kainan bago pa man ang salu-salu sabay sabay kaming nag dasal sa harap ng altar na nasa sala namin.

                 Hindi naman maiwari sa ating mga pilipino na kapag bagong taon malayang maihahambing ang bagong taon sa isang pyesta mga pagkain na nakahain mapalokal man o mapa banyaga.AT saktong pagtatak ng alas 12:00am lahat ay nagsisi-abang sa mga magiging makulay na figura ng kalawakan.